top of page
Search
Writer's pictureSolace

Darating ka pa ba?




Naaalala mo ba noong sinabi mo sakin na hahanapin mo ako, sa gitna ng maraming tao sa paligid ko, na wag akong gagalaw o pupunta kahit saan dahil darating ka.


Natatawa mo pang sinabing, kahit na maliit ako, nakatalikod o naka side view, mahaba ang buhok o maiksi, makikilala at makikilala mo ako.


Darating ka, alam ko.


Sinabi mo wag akong matakot dahil kahit anong mangyari, " nasa tabi mo lang ako. hindi kita iiwan. pangako." Andito parin ako.


Dumaan ang madaming araw, linggo at buwan. Nawawala na ata ako, malabo na ata ang paningin ko, dahil hindi kita makita, kahit panay lingon ako.


Darating ka diba?


Alam mo kung saan ako hahanapin. Sa dating tagpuan, sa likod ng salamin.


Nakatanaw sa labas habang naghihintay sayo, darating ka pa ba?

Maghihintay pa ba ako?


Dito na lang muna siguro, hihintayin ang pag ibig ko sayo na maglaho.

9 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page