sana ganun kadaling huminto sa pag iyak pag sinabihan ka ng tama na.
sana ganun kadaling paniwalaan na kaya ko pa, na matatag pa ako, pag sinabi nilang matapang ako.
sana lahat ng sana ay totoo.
Dahil pagod na pagod na ako, yung tipong pagod na nararamdaman ng buong pagkatao ko.
Hindi lang ng puso at utak ko,kundi nanunuot hanggang buto.
hanggang saan pa ba dapat umabot ang paghihirap na kailangan kong tiisin para lang maabot ang aking mga pangarap?
Halos hindi na nga natutulog ng sapat, hindi makakain ng maayos sa tamang oras at kung kailan dapat, dapat pa ba akong magpahinga kung tambak na ang gawaing halos hanggang susunod na taon na ang kota?
Habang tumatagal hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Hanggang kailan ako hihiling na sana, sana, isang araw may patutunguhan lahat ng sakripisyo ko.
Kahit may pangamba at takot na baka, baka matapos kong makuha ang diploma at matapos ang kolehiyo, haharapin ko ang nakakatakot na reyalidad ng mundo.
ang reyalidad na pag wala kang kapit ay hanggang sana na lang ang mga pangarap mo.
Comments